Una sa lahat. Hindi ako maka-move on sa salitang IMMATURE.
Sino ba'ng immature? PUP? RTU?
Kung taga-PUP ka, syempre RTU ang ituturo mo tapos vice versa.
Do not judge other people's mistakes if you are doing the same thing.Isipin mo, anong ginawa mo sa issue na 'yon? Pinagtanggol mo yung school mo 'di ba? Siniraan mo yung kabilang school kasi kaaway yun ng school mo. Sasabihan mong IMMATURE yung manglalait sa school mo kasi hindi naman totoo yung sinasabi nya. ISIPIN MO. Ikaw ba anong ginawa mo?
Yung sinasabi ng lahat na SCHOOL NG MGA SQUATTERS. Dose pesos na tuition fee. Walang aircon (pero in fairness may elevator.. haha!) Hindi kumpleto ang mga facilities. Kulang kulang ang electricfan. Maliliit ang classrooms. Maiingay ang estudyante. School ko yun. PUPian ako.
Sana hindi ako magmukhang IMMATURE sa dulo ng post na 'to pero hindi ko maiwasan ipagtanggol yung eskwelahan ko. O kahit hindi na lang yung school, yung mga estudyante na lang do'n. Na hindi naman karapatdapat masabihan ng ganung mga salita pero dahil sa PUP sila nag-aaral, no choice na. PUP ka, SQUATTER ka!
Sa totoo lang wala ako dun sa SCUAA ba yun? (liblib kasi sa CEA) So bakit ako nag-cocomment ng ganito? Kasi involved ako! Kasi PUPian ako. Yung tinatawag niyong SQUATTERS, WALANG PERA, kami yun diba? Nakakalungkot e. Pati yung pagiging Little UP daw ng PUP nasali na. EDI WAG! At hindi kami dapat umasa! Kasi kung ganun rin lang ang magiging ugali namin, wag na lang.
Hindi ko nilalahat kaya sana wag niyo rin lahatin ang sisi.
Oo. Tutol din ako dun sa pagsunog ng upuan ng mga schoolmates ko pero anong magagawa namin? Almost 50000 na estudyante ang umaasa ng maluwag na college in terms of tuition fee.
Naalala ko nag-post ako ng comment sa "No to PUP tuition fee increase" page sa facebook. Sabi ko: "Bakit kailangan magtaas kung kinaya naman na 12php dati pa?" May sumagot. Ganito yung parang sabi nya, "Bla bla bla.. Porket ba kinaya na ng ganun dati e bla bla bla ganun na din ngayon? Kung pumasa ka ba sa subject mo hindi ka ba magpupursigipa para prerequisite nito? bla bla bla" Sabi ko, "Weh!!!!" Joke. Sabi ko na lang, "Wag ka mainis. :)"
Pero sa loob loob ko, "Bakit kaya niya ni-like 'tong page, gusto nya pala ng increase. HAHAHA imba!" Pero plastic ako. Kaya yun na lang. :D
O. Kidding aside. Nagegets niyo ba 'ko? Ang gusto ko lang rin naman ipahiwatig sa comment na yun e, PUP tayo. Iskolar tayo ng bayan. Dose pesos hindi na rin biro yun. Napakaraming estudyante sa PUP pumapasok na walang baon. Walang biro. Maraming mahihirap sa PUP. Kasi dun lang ang kaya ng mga magulang. DOSE PESOS lang ang kayang ibayad ng mga mahihirap na Pilipinong gustong makapagatpos ng pag-aaral. Kaya kung may nagagalit kasi nagtaas LANG ng piso nag tution kasi WALA na talagang idadagdag! Bakit naman kami aayaw sa pagbabago? Ang sakin lang, REASONABLE CAUSE OF TUITION FEE HIKE ang hinahanap ko.
Ewan ko na kung naparating ko ba yung gusto kong iparating. Basta. Wala akong sinabi anything about RTU kasi wala akong kinalaman sa school na yun. Bahala sila. Ako, taga-PUP kaya kung ano mang nangyari dun sa gym san matapos na. Kasi lahat ng sisi sa school niyo pa rin mapupunta.
Sabihan mong walang utak yung iba. Sabihan mong pulubi yung iba.
Bakit sa'n ka ba nag-aaral? Saan mo napulot yang ugaling ganyan?