Aaminin ko, hindi ko kayang tumayo sa sarili kong paa.
Hirap ako sa maraming bagay kaya kailangan ko madalas ng makakasama o makakatulong.
Hindi naman masam 'yun di'ba?
Hindi ko rin ipinagpipilitan yung sarili ko na tulungan ako. Nahihiya talaga ako humingi ng tulong kaso, sa totoo lang, pag humingi na 'ko ng tulong, ibig sabihin hirap na talaga ako.
Ang hindi ko lang maintindihan, bakit may mga taong paasa at yung mga plastik?
Kung gusto mong tumulong, maganda yun. Kung ayaw mo, nasa sa'yo yan. Pero wag ka nang manloloko. Sabihin mo ng maayos para hindi umaasa yung tao at nakakaisip na ng paraan para makahanap ng solusyon kesa yung umaasa ao'yo.
OO. Hindi maganda yung lagi kang umaasa pero hindi naman sa lahat ng oras kayang mag-isa ng tao kaya malaking relief yung malaman na may willing tumulong sa kanya. Not knowing na hindi pala bukal sa loob yung pagtulong at napipilitan lang dahil "friends" kayo.
Isa pang maakit e yung ang daming excuse na sasabihin. Mahahalata mo na lang kapag sa tuwing oras na ng kagipitan, lagi na silang nawawala. Yung biglang may aasikasuhing iba o kaya may biglaang lakad.
Hello? Hindi naman ako ganun katanga. Sabihin mo lang ng ayos, okay naman yun e. Wala naman sakin yun. Kasalanan ko din naman madalas kapag may tulong akong hinihingi. Yun lang.
Sana may makabasa nito. Sana, yung mga taong gustong gusto ko nang sabihan nito. Sorry hindi ko kayang sabihin ng harapan pero alam ko ayaw niyo akong tulungan talaga. Gusto ko lang ipaalam sainyo na ramdam ko yun. Halata.
sino to :S:S:S ako ba ? T_____T
ReplyDelete